^

Bansa

Nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas lampas 314,000 na

James Relativo - Philstar.com
Nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas lampas 314,000 na
Nagsasagawa ng swab testing ang mga medical technologists na ito ng Philippine Red Cross sa Lungsod ng Mandaluyong, ika-24 ng Setyembre, 2020, para malaman kung may COVID-19 ang mga nagpapasuri
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Walang-tigil pa rin sa pagpasok ang mga panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, 201 araw matapos unang ibaba ang community quarantine sa Metro Manila noong ika-15 ng Marso.

Umabot na kasi sa 314,079 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapag-ulat ng karagdagang 2,415 cases ang Department of Health (DOH) ngayong hapon, Huwebes.

Ito ang kinalabasan matapos sumailalim sa masusuring COVID-19 testing ang nasa 3.52 milyong indibidwal sa bansa. Gayunpaman, pitong laboratoryo pa ang hindi nakapagsusumite ng kanilang resulta ngayong araw.

Lumalabas naman na mayorya sa mga sariwang kaso sa Pilipinas ay nagmumula sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (930)
  • Cavite (238)
  • Rizal (128)
  • Laguna (123)
  • Negros Occidental (103)

Pero hindi lahat ng bilang na 'yan ay may COVID-19 pa sa ngayon. Ang ilan ay gumaling na o 'di kaya't namatay na. Dahil diyan, 54,294 na lang ang nalalabing "active cases" mula sa kabuuang daily tally.

"30 duplicates were removed from the total case count. Of these, 19 recovered cases and a death have been removed," paliwanag ng DOH sa isang pahayag sa mga reporters.

"Moreover, 17 cases previously tagged as recovered were reclassified to deaths after final validation."

Sa kasamaang-palad, nasawi habang nakikipaglaban sa kinatatakurang sakit ang 59 pang kaso, dahilan para pumatak na sa 5,562 ang total local COVID-19 casualties.

Mula sa nasabing new casualties, 37 ang sinasabing nangyari nitong Setyembre lang. Kalakhan pa rin sa mga nasawi ay nagmula sa Metro Manila (26) — na kasalukuyang nakalagay sa maluwag-luwag na general community quarfantine hanggang katapusan ng Oktubre.

Ligtas naman na sa panganib ang 254,223 pasyente sa ngayon. Mas marami 'yan ng 771 kumpara sa bilang ng recoveries kahapon.

Mahigit-kumulang 33.5 milyon na ang kabuuang bilang ng tinatamaan ng nasabing virus sa buong mundo, ayon sa pinakabagong datos ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, pumanaw naman na ang 1,004,421 katao.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with