Magnitude 5.3 na lindol naitala malapit sa Surigao del Sur
Satellite image ng Bayabas, Surigao del Sur mula sa kalawakan
Google Maps
Magnitude 5.3 na lindol naitala malapit sa Surigao del Sur
(Philstar.com) - October 1, 2020 - 11:47am

MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.3 magnitude na lindol ang Cagaraga, pag-uulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong Huwebes.

Ayon sa state volcanologists, nangyari ang naturang "techtonic" earthquake bandang 6:10 a.m. sa 63 kilometro hilagangsilangan ng Bayabas, Surigao del Sur.

Unang iniulat bilang magnitude 5.2 ang lindol kanina ngunit biglang nirebisa pagsapit ng 7:41 a.m.

Umabot sa Intensity IV sa naturang munisipalidad ngayong umaga — bagay na "moderately strong" pagdating sa intensity scale ng Phivolcs.

"This is an aftershock of the September 21, 2020 M5.7 Bayabas, Surigao Del Sur earthquake event," paliwanag ng Phivolcs sa isang pahayag.

Sa kabila nito, wala pa namang inaasahang pinsala at aftershocks mula sa pagyanig ng lupa lalo na't lumalabas na nangyari ito sa gitna ng anyong tubig.

Wala pa rin namang nilalabas na tsunami warning kaugnay ng pinakabagong earthquake, o yaong banta ng pagragasa ng tubig sa lupa buhat ng pag-uga ng lupa. — James Relativo

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa ulat na ito

EARTHQUAKE PHIVOLCS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with