^

Bansa

Velasco uupong Speaker sa Oktubre 14

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Velasco uupong Speaker sa Oktubre 14
Ayon kay Mindoro Rep. Doy Leachon, ito ang napagkasunduan na petsa ng pagpapalit ng liderato ng Kamara sa ginanap na pagpupulong nila kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes ng gabi.
STAR/File

MANILA, Philippines — Papalitan na ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker sa Oktubre 14 si outgoing Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Mindoro Rep. Doy Leachon, ito ang napagkasunduan na petsa ng pagpapalit ng liderato ng Kamara sa ginanap na pagpupulong nila kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes ng gabi.

Itinanggi naman ni Leachon ang wala uma­nong basehang pahayag ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na wala pa silang napapagkasunduan ng petsa ng pagpapalit sa liderato ng Kamara.

Ito umano ang ipina­pakalat ni Villafuerte sa mga radyo at telebisyon bilang banta sa kampo ni Velasco na ang napagkasunduan sa Malacañang ay hindi maaaring mangyari maliban na manalo si Velasco sa eleksyon sa Kamara.

Sinabi pa ng kongresista na binobola pa ni Ca-yetano ang Pangulo para palawigin pa ang kanyang termino hanggang sa kanyang kaarawan sa Oktubre 28 subalit tumanggi umano si Velasco dahil kaarawan din niya sa Nobyembre 4.

Pinuna rin ni Leachon ang verbal na pag-atake at pang-iinsulto ng mga kaalyado ni Cayetano kay Velasco sa harap ng Pangulo kaya sinabi ng Pangulo na “Tama na ‘yan. Binigyan naman ng pagkakataon ang lahat na magsalita.”

Binira naman ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza si Villafuerte at sinabi na baka akala  niya ay Pangulo na siya dahil mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na uupo si Velasco sa Oktubre 14.

vuukle comment

LORD ALLAN VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with