^

Bansa

Mayorya ng Pinoy sumusunod sa COVID-19 measures – SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas maraming Pinoy ang sumusunod sa COVID-19 measures tulad ng pagsusuot ng face masks at physical distancing kapag lalabas ng kanilang tahanan.

Base sa latest survey ng Social Weather Survey na ginawa mula September 17-20, 79 percent ng 1,249 adult respondents ang palagiang nagsusuot ng face masks kapag lalabas ng kanilang tahanan. May bahagyang pagtaas ito sa 76% noong Hulyo.

Nasa 77% ang palagiang naghuhugas ng kamay habang 59% ang tumutupad sa one-meter distance kapag nasa labas ng bahay at 56% ang palagiang nagsusuot ng face shields sa alinmang lugar kapag sumasakay ng mga pampasaherong sasakyan o pupunta ng malls, palengke at mga botika.

Ang Visayas ang na­ngu­na sa pinakamara-ming nagsusuot ng face mask (86%), Mindanao (78%), Metro Manila (77) at Balance Luzon - 76%.

Nanguna rin ang Visayas sa paghuhugas ng kamay (75%), Mindanao (69%), Balance Luzon 64% at MM, 63%.

Visayas din ang pinaka­masunurin sa physical distancing, 68%, sinundan ng MM, 65%, Mindanao, 60% at Balance Luzon, 56%.

Sa Visayas din ang palagiang nagsusuot ng face shields sa publiko, 66% na sinundan ng 58% sa Mindanao, 55% sa MM, 52% sa Balance Luzon.

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with