DOH: COVID-19 cases mula Marso ngayon-ngayon lang nakukumpirma after 6 months
Hawak-hawak ng babaeng ito ang isang sanggol habang nakasuot ng face mask sa Culiat Bridge, Visayas Ave. sa Quezon City, ika-29 ng Setyembre, 2020
The STAR/Michael Varcas
DOH: COVID-19 cases mula Marso ngayon-ngayon lang nakukumpirma after 6 months
James Relativo (Philstar.com) - September 30, 2020 - 11:32am

MANILA, Philippines — Sa tinagal-tagal ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, meron pa ring inabot ng halos kalahating taon bago nakumpirmang nahawaan ng nakamamatay na pathogen, pagbabahagi ng Department of Health (DOH), Miyerkules nang umaga.

Lumalabas kasi sa ilang datos na Marso o Abril pa nakakaramdam ng sintomas ng virus pero na-diagnose lang matapos ang lima hanggang anim na buwan.

"We recognize this gap in the system," pag-amin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam ng mga reporters kanina.

"[N]akikita natin [na] hanggang sa ngayon may pa-isa pa rin tayong naire-report ng ating mga disease reporting units na 'yung kanilang onset of symptoms ay nag-umpisa pa noong mga nakaraang buwan."

Sinasabi ito ngayon ng DOH kahit na nasa ika-200 araw na ng community quarantine ang National Capital Region (NCR) ngayong ika-30 ng Setyembre, matapos itong ibaba ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-15 ng Marso para mapabagal ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

May kaugnayan: Metro Manila isinailalim sa 'community quarantine' ni Duterte

Aniya, patuloy itong inaayos ng DOH upang masigurong naihahatid ang napapanahon, makatotohanan at kumpletong datos hinggil sa pandemyang humawa na sa daan-daang libo at pumatay sa libu-libo sa Pilipinas.

Gayunpaman, kalakhan daw sa major delays ng confirmation ay dahil sa mali-maling impormasyon na ibinibigay ng mga pasyente kung kailan talaga nila unang naranasan ang COVID-19 symptoms.

"[K]apag vinalidate na noong ating disease reporting units, it would turn out na 'yun palang onset ay months ago pa," sambit pa ni Vergeire.

"Pangalawa, sa pagva-validate din ng ating disease reporting units... they discover na 'yung ibinigay na onset noong una ay iba pala doon sa onset of illness talaga noong specific na tao."

Kahit na gaano na ka-late, kinakailangan pa rin daw baguhin ng DOH ang kanilang mga datos pagdating sa isyu lalo na't maaapektuhan daw nito ang kanilang pag-aanalisa ng datos hinggil sa krisis.

Aniya, wala naman talagang 100% kumpletong information system sa ngayon lalo na't meron talagang mga disease reporting units na may mga pahabol o kaya'y hindi agad nakapag-uulat mula sa libu-libo.

Umabot na sa 309,303 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling talaga ng gobyerno nitong Martes. Sa bilang na 'yan, 5,448 na ang namamatay.

Ito ay matapos sumailalim ng nasa 3.46 milyong katao sa COVID-19 testing sa buong bansa simula nang mapasok ito ng virus mula sa Wuhan, China.

"Hopefully in the coming weeks, mawawala at talagang hindi na talaga tayo makakakita nito," saad pa ng DOH official.

"Itong mga isa, dalawa, tatlo na maireport natin in the previous months ay isang bagay na acceptable for an information system, but of course... we would like that all would be timely and complete eventually."

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with