Jeepney drivers, seniors sumugod sa SC
Sumugod kahapon sa Supreme Court ang mga jeepney drivers para maghain ng petisyon na kumukwestyon sa patuloy na suspensiyon ng tradisyunal na mga pampasaherong jeep na makapasada.
Russell Palma
Jeepney drivers, seniors sumugod sa SC
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumugod kahapon sa Korte Suprema ang grupo ng jeepney drivers at senior citizen upang kuwestiyunin ang mga polisiya ng pamahalaan sa COVID-19 na may diskriminasyon umano sa kanilang hanay.

Sa magkahiwalay na petisyon, hiniling ng National Confederation of Transportworkers’ Union (NCTU) at grupo ng senior citizen na pinamumunuan ni dating National Commission of Indigenous Peoples chair Eugenio Insigne na ibasura ang mga polisiya na naglili­mita sa pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan at quarantine sa mga nakatatanda.

Ayon sa NCTU, marami sa mga tsuper ang nawalan ng kabuhayan sa pagpapatigil sa pampublikong transportasyon at umaasa sa ibibigay na ayuda ng pamahalaan. Marami sa kanila ang nagtungo na sa mga kalsada para mamalimos na lamang.

Kinuwestiyon rin nila ang tila pagpabor umano ng pamahalaan sa mga ‘modern jeepneys’ na mas binigyan ng kaluwagan sa pamamasada ngayong pandemya.

Tinawag naman ni Insigne na hindi makatao at malupit ang ipinatutupad na ‘quarantine’ sa mga senior citizen. Wala rin umano itong sapat na batayan at lumalabag sa kanilang karapatan na itinatadhana ng Konstitusyon.

“The days on earth of senior citizens are numbered. Every moment is precious,” ayon kay Insigne.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with