Facebook binira ni Duterte!
Kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Du­terte kung bakit hindi maaaring gamitin ang Facebook sa adbokasiya ng gobyerno.
STAR/ File
Facebook binira ni Duterte!
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binanatan ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Facebook dahil sa ginawang pagtanggal sa mga accounts at pages ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, na ayon sa Pangulo ay nagsusulong ng kapakanan ng taumbayan.

Kinuwestiyon ni Du­terte kung bakit hindi maaaring gamitin ang Facebook sa adbokasiya ng gobyerno.

“Tell me, kung bakit hindi ko magamit para sa kapakanan ng taong bayan. If government cannot use it for the good of the people, then we have to talk. We have to talk sense…I’ve learned in the past days, pati ang advocacy of government tinanggal,” ani Duterte.

Tinanong din ng Pangulo kung ano pa ang silbi ng Facebook sa bansa kung hindi naman nakakatulong sa mga adbokasiya ng gobyerno.

“Facebook, listen to me. We allow you to operate here hoping that you could help us also. Now, if government cannot espouse or advocate something which is for the good of the people, then what is your purpose here in my country?” ani Duterte.

Ipinahiwatig ng Pa­ngulo na mas pinapanigan pa ng Facebook ang mga makakaliwang grupo na lumalaban sa gobyerno sa ginawang pagtanggal sa mga accounts na nakakatulong sa kalusugan at sa militar.

Ayon pa kay Duterte, hindi maaaring ang Facebook ang maglatag ng polisiya sa gobyerno at hindi maaaring pagbawalan ang Pangulo na suportahan ang mga isinusulong ng gobyerno.

Idinagdag din ng Pangulo na kung hindi naiintindihan ng Facebook ang makakaliwang grupo na National De­mocratic Front at New People’s Army ay dapat magkausap sila.

Kabilang sa mga account na tinanggal ng Facebook ay ang “Hands Off Our Children”, na ang adbokasiya ay mapigilan ang recruitment ng makakaliwang grupo sa mga kabataan.
 

Related video:

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with