SWS: 85% Pinoy takot mahawa ng COVID-19
Sa survey na ginawa noong Setyembre 17-20, lumabas na sa 85% ng mga Pinoy na nag-aalala na posibleng mahawaan sila ng naturang sakit, 63% ang “matindi” ang pag-aalala habang 22% ang bahagyang nag-aalala.
Edd Gumban
SWS: 85% Pinoy takot mahawa ng COVID-19
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangangamba ang may 85 percent ng mga Pinoy na  mahawahan ng COVID-19, ayon sa latest survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa survey na ginawa noong  Setyembre 17-20, lumabas na sa 85% ng mga Pinoy na nag-aalala na posibleng mahawaan sila ng naturang sakit, 63% ang “matindi” ang pag-aalala habang 22% ang bahagyang nag-aalala.

Ang naturang resulta ay kahalintulad ng naitala ng SWS may tatlong buwan na ang nakararaan.

May 9 na porsiyento lamang ang konti ang pag­kabahala habang 6 percent ang hindi nababahala na mahawa ng COVID-19 ang sinumang miyembro ng kanilang pamilya.

Ang antas ng pagkabahala ay mataas sa Luzon na may 87%; Visayas, 84%; Metro Manila, 83% at Mindanao, 80%.

Mataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila subalit ang worry rate rito ay bahagyang bumaba sa 83% mula sa 92% noong Mayo at Hulyo.

Isinagawa ang SWS survey sa 1,249 Pinoy na may  edad 18 pataas gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interview.

SWS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with