President Duterte magpapatupad ng balasahan sa PhilHealth
MANILA, Philippines — Magsasagawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng reorganisasyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang matanggal ang mga tiwali sa ahensiya at magkaroon ng “single line of authority.”
“But I will try to begin tomorrow shaking the tree sa PhilHealth. Balak ko mag-reorganize and impose upon them a single line of authority. No more so many… Wala namang iba diyan eh. There are so many tables there in an office, hindi lang PhilHealth, na who can do the work, who can process the papers without really having a discretion whether or not he should be hanging on it, he’s sitting on it,” ani Duterte.
Balak din ni Duterte na isulong sa Kongreso ang pagbuwag sa PhilHealth dahil kung isasapribado naman ay mawawalan ng insurance ang mga mamamayan.
Kaya aniya nagbebenta ng ari-arian ang gobyerno ay dahil sa kawalan ng pondo.
Wala na aniyang pambayad sa PhilHealth kaya kailangan ang “surgical move.”
- Latest