^

Bansa

COVID-19 cases sa 'Pinas humataw sa 309,303, nadagagan nang 2,025

Philstar.com
COVID-19 cases sa 'Pinas humataw sa 309,303, nadagagan nang 2,025
Naglalako ng pagkain ang lalaking ito sa Lungsod ng San Juan habang nakasuot ng improvised face shield sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19), ika-22 ng Setyembre, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas ngayong araw, ulat ng Department of Health (DOH), Martes.

Ayon sa DOH, sumampa na sa 309,303 ang bilang ng mga nahahawaan ng kinatatakutang virus. Nakapagtala pa kasi ng 2,025 pang pasyente ang gobyerno, bagay na ngayon lang kinumpirma.

Lumabas ang mga resultang 'yan matapos pumalo sa halos 3.5 milyong katao na ang nate-test para sa COVID-19 sa Pilipinas. Apat lang naman ang mga laboratoryong hindi nakapagsumite ng kanilang mga test results ngayong araw, bagay na mababa kumpara sa karaniwan.

Kalakhan sa mga panibagong nai-report na insidente ay natagpuan sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (628)
  • Cavite (278)
  • Negros Occidental (218)
  • Laguna (108)
  • Bulacan (102)

LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #199 As of 4PM today, September 29, 2020, the Department of Health reports the total...

Posted by Department of Health (Philippines) on Tuesday, September 29, 2020

Samantala, 50,925 mula sa mga 'yan ay itinuturing pa ring "active cases" sa dahilang hindi pa sila gumagaling o namamatay sa COVID-19.

"10 duplicates were removed from the total case count. Of these, 4 recovered cases and a death have been removed," paliwanag pa ng Kagawaran ng Kalusugan sa isang pahayag.

"Moreover, 21 cases previously tagged as recovered were reclassified to deaths after final validation."

Wala naman na sa peligro ang buhay ng 252,930 tinamaan ng COVID-19 matapos gumaling ang 290 pa sa kanila.

Gayunpaman, binawian ng buhay ang 68 pang mga pasyente sa pangong DOH tally, bagay na nag-aakyat ng local casualties ng sakit sa 5,448.

Samantala, nakapasok na sa probinsya ng Batanes ang nakamamatay na virus sa kauna-unahang pagkakataon. 'Yan ay matapos ang halos walong buwan na pagiging COVID-19 free ng nasabing kapuluan sa hilaga ng bansa. 

Kagabi lang nang ianunsyo ng Palasyo at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsasailalim sa limang lugar sa bansa sa general community quarantine (GCQ) hanggang ika-31 ng Oktubre habang nagpapatuloy ang pandemya. Kasama riyan ang Metro Manila na patuloy na nagsisilbing epicenter ng pathogen.

Pinakamahigpit na quarantine classification naman ang magsisimula sa Lanao del Sur at Lungsod ng Marawi simula ika-1 ng Oktubre matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine (MGCQ). Ilalagay naman sa pinakamaluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang mga nalalabing bahagi ng Pilipinas.

Basahin: Batanes hindi na 'COVID-free,' unang kaso naitala mula sa LSI

May kinalaman: NCR, 5 pang lugar GCQ hanggang ika-31 ng Oktubre; Lanao del Sur nasa MECQ

Umabot na sa 33.3 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling tala ng World Health Organization (WHO). Patay naman na ang 996,342 katao mula sa nasabing bilang.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with