Kaso ng COVID-19 pababa na - DOH
Sa kabila nito, iginiit naman ng University of the Philippines-OCTA Research Group na hindi pa handa ang Metro Manila na ibaba ang ‘general community quarantine’ upang hindi masayang ang mga nakamit na puntos laban sa virus.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon
Kaso ng COVID-19 pababa na - DOH
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pababa na umano ang ‘trend’ ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa dulot ng pagbabago sa mga istratehiya ng pamahalaan sa pagresponde sa pandemya.

“Pag tiningnan natin yung number of cases and we look at the trend nung ating average per week, nakikita natin na bumababa,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online media forum kahapon.

Kabilang umano sa mga bagong istratehiyang nakapagdulot ng maayos na pagresponde sa virus ay ang ‘One Hospital Command’,  ang pagbibigay ng pahinga sa healthcare system at ang pagsusumikap ng mga lokal na pamahalaan sa ‘contact tracing’ sa mga komunidad.

Sa kabila naman nito, nilinaw ng health official na hindi pa rin dahilan ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng sakit upang maging pabaya at ma­ging kampante ang mga mamamayan. Mayroon pang ilang lugar sa bansa ang nakakaranas nang pagtaas ng COVID-19 cases kaya’t dapat pa ring maging maingat ang lahat.

Sa kabila nito, iginiit naman ng University of the Philippines-OCTA Research Group na hindi pa handa ang Metro Manila na ibaba ang ‘general community quarantine’ upang hindi masayang ang mga nakamit na puntos laban sa virus.

Sinabi ni Dr. Guido David, ng UP research team, na dalawang sunod na linggo nang mas mababa sa 1 RO (R-naught) ang reproduction rate sa Metro Manila at patuloy pang bababa kung mapananatili ang kasalukuyang status ng quarantine.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with