Duterte gustong ipaaresto mga dawit sa âbastosâ na modules
Sa kumalat na kopya ng module na nag-viral sa social media, nakasulat ang tanong na: Who among the following students may have already developed a broader philosophical perspective? Ang mga pagpipiliang pangalan na sina Pining Garcia, Abdul Salsalani, Malou Wang, at Tina Moran.
The STAR/Boy Santos, file
Duterte gustong ipaaresto mga dawit sa ‘bastos’ na modules
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipahuli at papanagutin ang mga gumawa ng modules na may laman na mga kabastusan.

Ayon kay Go, hindi niya palalampasin ang mga gumawa nito dahil hindi dapat ginagawang katawa-tawa o bastos ang laman ng mga materyales na dapat gamitin para matuto ang mga bata.

Iginiit din ng senador na chairman ng Senate Committee on Health na hirap na ang mga estudyante na maipagpatuloy ang pag-aaral ngayon at tapos ay hahaluan pa ng kalokohan ang mga ituturo sa kanila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Simbahang Katoliko ang dapat sumagot sa isyu dahil ang learning module ay mula sa isang Catholic school.

Sa kumalat na kopya ng module na nag-viral sa social media, nakasulat ang tanong na: Who among the following students may have already  developed a broader philosophical perspective? Ang mga pagpipiliang pangalan na sina Pining Garcia, Abdul Salsalani, Malou Wang, at Tina Moran.

Ayon kay Roque, mismong archdiocese ang nag-apruba sa learning module na ipinagagamit sa mga Catholic school.

Samantala, natukoy na ng DepEd ang mga nasa likod ng mga malisyosong modules.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, batid na rin nila ang background ng taong sumulat ng module at maging ang organisasyong kinabibila­ngan nito.

Tiniyak naman ni Briones na may aksiyong gagawin ang DepEd hinggil dito.

Una nang sinabi ni Briones na hindi sa kanila ga­ling ang module, na ginamit ng isang private Catholic school sa Zambales. Malou Escudero, Mer Layson

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with