Mail voting sa seniors, PWDs ok sa Comelec
May mga umiiral na panukala na rin umano sa Kongreso para payagan na ang ‘mail-in voting’ para sa mga domestic voters na may espesyal na kundisyon.
The STAR/Michael Varcas
Mail voting sa seniors, PWDs ok sa Comelec
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang makatiyak na mapoproteksyunan ang kalusugan ng mga senior citizen at person with disabilities (PWDs), plano ng Commission on Elections (Comelec) na magpatupad ng “postal o mail-in voting” sa 2022 Presidential Elections.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, na ginagamit naman na sa ngayon ang mga naturang paraan ng pagboto, ngunit para sa overseas voting lamang.

Maaari naman aniyang palawigin na lamang nila ang paggamit ng naturang pamamaraan, at maisama na ang domestic voting para sa mga partikular na botante, gaya ng matatanda at mga may kapansanan lalo na at inaasahan na magtatagal pa ang banta ng COVID-19.

May mga umiiral na panukala na rin umano sa Kongreso para payagan na ang ‘mail-in voting’ para sa mga domestic voters na may espesyal na kundisyon.

Pinag-aaralan pa rin naman ng Comelec ang posibilidad ng ‘online voting’ para sa mga may access sa internet.

PWD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with