Mataas na hunger rate ikinalungkot ng Malacañang
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nauunawaan nila kung nakaranas ng pagkagutom ang mga Pilipino lalo na ang mga nasa sektor ng karpintero, drayber at konduktor dahil sa limitado ang transportasyon.
The STAR/Michael Varcas, file
Mataas na hunger rate ikinalungkot ng Malacañang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinalungkot ng Malacañang ang resulta ng panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na umabot sa 7.6 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng pagkagutom sa nakalipas na tatlong buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang dahilan kung kaya binuksan na ang ekonomiya ng bansa kahit may banta pa sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Roque, nauunawaan nila kung nakaranas ng pagkagutom ang mga Pilipino lalo na ang mga nasa sektor ng karpintero, drayber at konduktor dahil sa limitado ang transportasyon.

Pitong buwan na aniya na mayroong COVID-19 kaya nakikiusap ang Malacañang na pag/ibayuhin ang pag-iingat upang makapagtrabaho.

Hindi tiyak ni Roque kung ano ang susunod na community quarantine sa National Capital Region, pero mananatili aniyang bukas ang 50% ng ekonomiya kung muling idedeklara ang general community quarantine sa Metro Manila at 75% kung magiging modified general community quarantine (MGCQ).

Mahalaga aniya na sundin ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte na “mask, hugas, iwas.”

 

SOCIAL WEATHER STATIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with