Pakikialam ng China sa 2022 elections pinangangambahan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangangambahang manghimasok ang China sa 2022 presidential elections upang mapanatili ang implu­wensya sa Pilipinas at hindi habulin sa anumang illegal na pag-okupa sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Sinabi nina ACT Partylist Rep. France Castro at Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate na maraming sensyales na makikialam ang China sa susunond na presidential election tulad ng Facebook account na nakabase sa Fujian, China na sumusuporta umano sa presidential bid ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Sara Duterte.

Ang naturang account ay kabilang sa mahigit 100 accounts na inalis ng pamunuan ng Facebook kamakailan. Kasama rin dito ang mga pekeng account umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Nationa Police (PNP).

“Talagang may nakikita tayong indication eh na maaa­ring makialam ang China sa election. Makikita natin sa mga tinek-down na account. Malaki ang posibilidad na makikialam ang China sa susunod na eleksiyon,” sabi ni Castro.

Sa kanyang panig ay sinabi ni Zarate na hindi na siya magtataka kung manghihimasok ang China sa 2020 presidential election dahil malaki ang interes nito sa Filipinas, lalo na sa inaangkin nitong WPS.

Kaugnay nito ay hinamon niya ang social media regulators sa bansa at maging sa Facebook na maging pro-active sa laban sa mga ganitong account at network upang hindi maimpluwensiyahan ng sinuman, lalo na ng China, ang susunod na halalan sa bansa.

 

WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with