^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa lagpas 307,000 na kahit infection trend bumaba

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa lagpas 307,000 na kahit infection trend bumaba
BInabantayan ng opisyal na ito sa Caloocan City ang border sa pagitan ng baranggay 12 at baranggay 8, habang nagpapatupad ng lockdown sa nasabing lugar noong Mayo
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Ayaw pa ring paawat sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas kahit nasa ika-29 linggo na ang community quarantine na ipinatutupad kontra pandemya.

Ayon sa huling tala ng Department of Health (DOH), Lunes, pumapatak na sa 307,288 ang kumpirmadong nadadali ng COVID-19 sa Pilipinas. 'Yan ay matapos madagdagan pa ng karagdagang 3,073 kaso ang talaan ng kagawaran ngayong hapon.

Umabot na sa 3.43 milyon indibidwal ang nasusuri sa bansa para sa SARS-CoV-2 — ang virus na nagdudulot ng COVID-19 — bagay na nagdulot ng mga naturang pagbabago sa tally ng gobyerno. Sa kabila niyan, hindi nai-turnover ng anim pang laboratoryo ang kani-kanilang test results.

"Eleven duplicates were removed from the total case count. Of these, 6 were recovered cases," paliwanag ng DOH sa kanilang inilabas napahayag.

"Moreover, two cases previously tagged as recovered were reclassified to deaths after final validation."

Pinakamarami naman sa mga sariwang ulat na kaso ang natuklasan sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (1,158)
  • Cavite (225)
  • Laguna (203)
  • Rizal (173)
  • Batangas (169)

Nananatili namang 49,242 ang aktibo sa mga kasong 'yan, na nangangahulugang hindi pa sila gumagaling o nasasawi sa virus.

Samantala, hindi naman pinalad ang 37 iba pa na dinapuan ng sakit. Sumatutal, 5,381 na ang namamatay mula sa COVID-19 sa Pilipinas.

Mas marami naman ng 163 nai-report na gumaling ngayong araw mula sa pathogen, dahilan para maitulak ang mga datos patungong 252,665.

Bagama't hindi pa nahihinto ang COVID-19 transmission sa bansa, ibinahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pababa na nang pababa ang arawang kaso na naidaragdag sa nitong mga nagdaang araw. Gayunpaman, pinaalalahanan ng DOH official na huwag makampante sa "downtrend" na ito.

"Pag tinignan natin ‘yung number of cases natin and we look at the trends nung ating average per week, makikita natin na, oo, bumababa," sambit ni Vergeire sa mga reporters nitong umaga, lalo na't hindi na gaano umaabot sa 3,000 ang naidadagdag sa daily case tally.

"Pero makikita pa rin natin na merong lugar pa rin na merong piling pagtaas nitong mga number of cases that’s why we always say we cannot be complacent at this point. Kailangan andyan pa rin talaga ‘yung ginagawang minimum health standards. Kailangan lahat tayo vigilant pa rin."

Sa ibang balita, maaaring ianunsyo rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang pagbabago sa mga quarantine classifications sa Pilipinas mamayang gabi — bagay na magtatakda kung luluwagan, hihigpitan o pananatilihin sa parehong antas ang community quarantine at lockdowns sa iba't ibang panig ng arkipelago.

Basahin: Roque: Bagong 'quarantine classifications' baka ilabas mamaya

May kaugnayan: What is modified, enhanced, general quarantine? Here's how to tell the difference

Nasa 32.73 milyon na ang nahahawaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 991,224 na ang binabawian ng buhay. — may ulat ni Philstar.com/Gaea Katreena Cabico

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with