Cayetano, Pulong nagkita sa Davao
Nagkita sa Davao sina House Speaker Alan Peter Ca­yetano at Presidential Son Davao City Rep. Paolo Duterte para sa isang dinner sa gitna ng gusot sa speakership. Sa larawang ito na ipinost ni ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap, makikita na kasama rin nila si Taguig City Rep. Lani Cayetano at House Deputy Secretary General Brian Yamsuan.
STAR/File
Cayetano, Pulong nagkita sa Davao
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para umano maayos ang gusot sa liderato ng Kamara, personal na nagtungo nitong Sabado sa Davao City si Speaker Alan Peter Cayetano para makipagkita sa anak ni Pangulong Duterte na si House Deputy Speaker Paolo “Pulong” Duterte.

Kasama ni Cayetano ang kanyang misis na si Taguig Rep. Lani Cayetano, House Appropriations Committee chairman ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap at House Deputy Sec. General Brian Yamsuan.

Ito ay matapos na ibahagi ni Cong. Yap ang larawan nila sa kanyang Instagram na may caption na “Chillax night”, kasunod ang isa pang larawan na nasa tabi sila ng swimming pool.

Tumanggi naman ang kongresista na ilahad ang mga detalye ng kanilang napag-mitingan.

Ayon kay Yap, nagkaroon lamang sila ng casual conversation subalit ang P4.5 trillion na panukalang 2021 budget na umano’y ugat ng sinasabing power struggle sa Kamara ay hindi nila napag-usapan.

Giit pa ni Yap, allergic ang batang Duterte sa budget kaya hindi na nila ito pinag-usapan.

Matatandaan na nagbanta noon si Paolo Duterte na kakausapin ang Mindanao bloc para paalisin si Ca­yetano sa puwesto matapos ang gulo sa 2021 budget.

ALAN PETER CAYETANO PAOLO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with