Magsakripisyo muna ngayong pandemya â Yap
Ito ang panawagan ni House Appropriations Chairman at ACT-CIS Cong. Eric Yap sa kanyang mga kasamahan sa kongreso matapos ang napabalitang plano na House coup de etat laban kay Speaker Alan Peter Cayetano.
interaksyon/ Cong. Eric Go Yap via Facebook
Magsakripisyo muna ngayong pandemya – Yap
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isantabi na muna ang pulitika at magsakripisyo ngayong pandemya para sa taumbayan.

Ito ang panawagan ni House Appropriations Chairman at ACT-CIS Cong. Eric Yap sa kanyang mga kasamahan sa kongreso matapos ang napabalitang plano na House coup de etat laban kay Speaker Alan Peter Cayetano.

Umugong din ang balitang masama ang loob ng ilang mambabatas dahil binawasan ang budget sa kanilang distrito.

“Sana maintindihan ng mga kasama natin dito sa Kongreso na may krisis tayo ngayon at kailangan magsakripisyo dahil priority ang pagbili ng bakuna laban sa Covid kapag ito ay lumabas na,” ayon kay Cong. Yap.

Dagdag pa ni Yap, “mag-focus na lang sa pagba­langkas ng mga batas kung papaano makakarekober ang lahat matapos itong pandemya.”

Nauna ng sinabi ni Yap na inaasahan nila ang budget deficit sa susunod na taon dahil tiyak hindi makakalap ng gobyerno ang buwis na target nito ngayong taon dahil sa pandemya.

COVID-19 ERIC YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with