AFP, PNP ibinida ang pagsuko ng higit 5K NPA rebels
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pagsuko ng nasa 5,164 NPA members at supporters ngayong taon bunsod ng pinalakas na anti-insurgency campaign ng dalawang security sector.

Ayon kay AFP Chief Gen. Gilbert Gapay, kabilang dito ang nasa 169 communist terrorists na nasawi sa ikinasang focused military operations at 4,777 na mga dating miyembro ng NPA ang sumuko sa pamahalaan.

Dahil dito, patuloy ang nararanasang tactical losses ng komunistang rebelde.

Sinabi ni Gapay na ang pag-neutralized sa mga NPA ay dahil sa malakas na partnership sa PNP.

Sinabi ni Gapay, katuwang nila ang PNP para mapalakas pa ang kampanya laban sa CPP-NPA.

Naaresto rin ng AFP at PNP ang Finance staff ng Communist Terrorist sa isang checkpoint sa Northeastern Mindanao, nakuha sa kaniyang posisyon ang isang IED at ilang IED paraphernalia.

Nahuli rin ang isang top rank na NPA leader na nag- operate sa Abra na nakila­lang si Joel Sibalo Banganan at ilang mga kasamahan nito sa Ilocos Sur.

Napatay din sa operasyon ng AFP-PNP ang NPA leader na si Mario Caraig na nag-o-operate sa Laguna.

Kinumpirma nina Ga­pay at Cascolan na nasa walong guerilla fronts ang kanilang nabuwag.

AFP PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with