^

Bansa

Hawaan ng COVID-19 dumami dahil sa mga lumalabag sa home quarantine

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Hawaan ng COVID-19 dumami dahil sa mga lumalabag sa home quarantine
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, batay sa kanilang karanasan sa mga lalawigan ng Cebu, Bacolod, gayundin sa Batangas, Laguna at Navotas, hindi nasusunod ang rules sa home quarantine kaya’t nagkakaroon ng hawahan ng virus.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ang mga lumalabag sa home quarantine ang nagpaparami ng COVID-19 na naitatala sa bansa.

Ayon kay Año, batay sa kanilang karanasan sa mga lalawigan ng Cebu, Bacolod, gayundin sa Batangas, Laguna at Navotas, hindi nasusunod ang rules sa home quarantine kaya’t nagkakaroon ng hawahan ng virus.

Anang kalihim, sa halip kasi na mag-quarantine sa bahay, lumalabas din ang mga suspected at confirmed COVID-19 cases at nakikisalamuha sa ibang tao, na nagreresulta sa hawahan ng virus.

Hindi rin naman aniya naoobserbahang mabuti sa mga tahanan ang minimum health standards kaya’t nagpasya na ang pamahalaan na ipagbawal na ang home quarantine at dalhin na lamang ang mga suspected at COVID-19 cases sa mga quarantine facilities ng pamahalaan.

“Our experience in Cebu, Bacolod, now recently in Batangas, in Laguna, Navotas... ang nagpaparami talaga ng COVID cases ‘yung mga home quarantine sapagkat hindi talaga nasusunod ‘yung pag quarantine,” ayon kay Año. “Ang akala natin nasa bahay lang sila, ‘yun pala lumalabas din sila, bumibili ng sigaril­yo, bibili ng pagkain, nakikipag-inuman tapos ‘yung mga lugar talaga na tabi-tabi.”

Kaugnay nito, nagbabala rin naman si Año na mahaharap sa kaparusahan ang mga taong lalabag sa ban sa home quarantine.

Samantala, iniulat din naman ni Año na ang occupancy rate ng mga quarantine facilities sa National Capital Region, Central Luzon at Calabarzon ay nasa 60% na ngayon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with