^

Bansa

COVID-19 vaccine para sa mga bata mahuhuli - DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 vaccine para sa mga bata mahuhuli - DOH
Sinabi ni Dr. Evan Anderson na maaaring magdulot ito ng dagdag na panganib sa mga bata lalo na at aabutan muli ng pasukan sa 2021 na wala pang bakuna para sa kanila.
AFP/Johannes Eisele, file

MANILA, Philippines — Inamin ng Department of Health (DOH) na mahuhuli pang idebelop ang bakuna kontra COVID-19 para sa mga bata dahil kailangan munang matiyak ang pagiging epektibo at kaligtasan nito kung sa mga “adult” o nakatatanda ang unang bibigyan nito.

“In the current clinical trials for COVID-19 vaccines, children are not yet included because safety should first be ensured by testing the vaccine in the general population (adults),” tugon ng DOH sa tanong ng Pilipino Star Ngayon.

Bilang paglilinaw, ipinaliwanag ng kagawaran na apat na phase ang pagdebelop ng bakuna.

Una ay ang “Pre-clinical” o ang pagsubok sa bakuna sa mga daga o unggoy para makita ang “immune response” ng mga ito.

Ikalawa ay ang “Phase 1” na ibibigay ang bakuna sa maliit na bilang ng tao (10-100) para masubok kung ligtas, ikatlo ang “Phase 2” kung saan ibibigay ito sa 100-1,000 tao para makita ang pagiging epek­tibo, matiyak ang tamang dosage at makita ang nais na epekto at ikaapat ay ang “Phase 3” kung saan ibibigay na ang bakuna sa mas maraming bilang ng tao.

Unang nagpahayag ng pangamba ang mga health experts ng Emory University School of Medicine sa Atlanta, USA dahil sa wala pang isinasagawang vaccine trials para sa mga bata.

Sinabi ni Dr. Evan Anderson na maaaring magdulot ito ng dagdag na panganib sa mga bata lalo na at aabutan muli ng pasukan sa 2021 na wala pang bakuna para sa kanila.

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with