^

Bansa

Bill na susuporta sa maliliit na negosyo sa online, inihain

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinulong ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda ang panukalang batas na magbibigay-suporta upang makabangon ang maliliit na negosyo sa online na itinuturing nitong tagapaglitas ng ekonomiya na matinding naapektuhan ng COVID- 19.

Ayon kay Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, kasama sa mga ayuda ang pautang, pagbibigay-puhunan, mga pagsasanay at tulong sa pagpaparehistro.

Ang House Bill (HB) 7698 o  Online Small  Enterprise Support Services Act of 2020 ay mag-oobliga sa mga bangko ng pamahalaan na magbigay ng murang pautang, puhunan, libreng ‘credit reports’ at iba pang mga benepisyo at ayuda. Bukod naman sa mga pagsasanay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang mga may negosyong ‘online’ ay dapat hindi lampas sa P1-milyon ang taunang benta.

Pinuna ni Salceda na sa mga nakalipas na buwan dahilan sa matinding epekto ng pandemya ay maraming online business ang naglitawan pero marami sa mga ito ang hindi pa rehistrado kaya maituturing itong illegal.

Iginiit ng solon na hindi ang mga ito dapat parusahan dahil naghahanapbuhay lamang kaya kailangang tulu­ngan ng pamahalaan para magparehisto.

Dahil nakakatulong naman ang nasabing maliliit na negosyo ay bibigyan ang mga ito ng ayuda at iba pang benepisyo kung magpaparehistro at magbabayad ng kaukulang buwis, ani Salceda.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with