^

Bansa

2 kumpanyang nagmina para sa 'Manila Bay white sand' suspendido ng DENR

Philstar.com
2 kumpanyang nagmina para sa 'Manila Bay white sand' suspendido ng DENR
Kulang na lang ay magtampisaw sa tubig ang mga turistang ito, ika-20 ng Setyembre, matapos buksan sa publiko ang "white sand beach" ng Manila Bay
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, pansamantala munang ipagbabawal ang lahat ng operasyon ng mga kumpanyang nag-extract ng "dolomite" para sa kontrobersyal na Manila Bay beach nourishment project, pag-uulat ng state-owned Radyo Pilipinas, Biyernes.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, pinatawan nila ng suspensyon ang Dolomite Mining Corporation (DMC) at Philippine Mining Services Corp. (PMSC) kasabay ng kanyang isinasagawang site inspection sa diumano'y pagkasira ng kalikasan sa Alcoy, Cebu.

Tatlong araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ni Cebu provincial board member Jiembro Borgonia na pinag-aaralan na nila ang pagsasampa ng kaso laban sa DMC at PMSC dahil sa "hindi pagbabayad ng local taxes sa probinsya ng Cebu."

Maliban pa riyan ang diumano'y pagwasak ng dolomite mining operations sa mga lugar, gaya na lang ng idinulot daw nito sa mga kalapit na anyong-tubig.

"'Yung mga corals, [wala] na sa kanyang natural color kasi... pumuputi na at tska 'yung mga fish cage," ani Borgonia nitong Martes.

"'Yung mga fisherman natin di na sila maka-fish within the area. Kailangan nila sa malayo kahit marami naman sanang fishes dun. 'Yung livelihood ng fisherman ay talagang naapektuhan kaya sila ang dumulog nung narinig 'yung issue."

Bago ipinataw ng DENR ang suspensyon ngayong araw, nauna nang nag-isyu ng cease and desist order ang pamahalaang panlalawigan ng Cebu laban sa PMSC at DMC sa kani-kanilang operasyon sa Alcoy bunsod ng ilang paglabag.

Una nang nabatikos ang paggastos ng P398 milyon ng gobyerno para lang magtambak ng dinurog na dolomite — isang mineral na nakasasama sa kalusugan kung pinong-pino na animo'y alikabok — lalo na't isinasagawa ito kasabay ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Basahin: PANOORIN: Pagtatambak ng 'white sand' sa Manila Bay umarangkada

May kaugnayan: DOH: Pekeng 'white sand' sa Manila Bay may health risks, sabi ng mga pag-aaral

Ayon sa mga environmentalists, "gandang panlabas" lang talaga ang naibibigay nito at hindi naman nalilinis ang pagkarumi-ruming tubig ng look.

Mas mainam pa rin naman daw na ginastusan na lang ang mas mura at environmentally sustainable na pagtatanim ng mga bakawan (mangrove) sa paligid ng Manila Bay.

Kamakailan lang din nang mabahala ang Department of Health (DOH) sa biglaang pagdagsa ng libu-libong katao sa Manila Bay para saksihan ang man-made white beach, sa dahilang hindi napanatili ang social distancing sa gitna ng COVID-19 pandemic. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with