Philippine - China ties âdi magbabago - Malacañang
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga binanggit ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang talumpati ay mga kasalukuyan ng polisiya na hindi naman magbabago lalo na sa pakikipag-ugnayan sa China.
Presidential Photo/Richard Madelo
Philippine - China ties ‘di magbabago - Malacañang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na walang magba­bago sa bilateral relations ng Pilipinas at ng China kahit pa iginiit ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly ang arbitral ruling sa usapin ng South China Sea na pumapabor sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga binanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati ay mga kasalukuyan ng polisiya na hindi naman magbabago lalo na sa pakikipag-ugnayan sa China.

Ayon pa kay Roque, “consistent” ang Pangulo at ipagpapatuloy ang mga bagay na maaa­ring isulong kabilang ang kalakalan.

Sinabi ni Roque na isasantabi muna ang pro­blema ng territorial dispute na tiyak niyang hindi mareresolba sa ngayon.

“Again, the President has been consistent – we will move on matters that we could move forward on including trade and investments; and we will, for the time being, set this aside because I don’t think the resolution of the territorial dispute is forthcoming in our life time,” ani Roque.

Hayaan na lang muna aniya ang desisyon na hindi na mababago lalo pa’t malinaw ang nakasaad sa international law.

Related video:

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with