‘No age restrictions’ sa Boracay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ng Department of Tourism (DOT) ang “no age restriction” sa mga turista na tutungo sa isla ng Boracay at iba pang tourist destination na nakatakdang buksan sa mga darating na araw.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na magbibigay sila ng panukala sa Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging and Infectious Diseases para payagan na makabiyahe ang mga turista na may edad higit 60-taong gulang at mas bata sa 20-taong gulang.

Katwiran ni Puyat na karaniwang bumibiyahe ng buo ang pamilyang Pilipino para magkasama-sama.

Dapat umano na payagan ang lahat kung mag­nenegatibo naman sila sa COVID-19 RT-PCR (swab) test at walang anumang sintomas na nararamdaman.

Ngunit tila magkakaroon na rin ng bagong uso na “OOTD (outfit-of-the-day)” sa mga beaches; sa halip na “two-piece swimsuit” ay magiging “3-piece” na dahil kailangan rin umano na palagiang nakasuot ng face mask ang mga turista kung maglalakad-lakad lamang at hindi maliligo sa dagat.

Mahigpit na ipagbabawal rin ang pagkain at pag-inom may 30 metro ang layo sa dalampasigan.

Bawal pa rin ang pagbibigay ng serbisyo ng mga masahista, tattoo artists at tour guides dahil sa malapitang kontak nila sa mga turista.

DOT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with