Duterte iginiit sa UN ang panalo ng Pinas vs China sa West Philippine Sea
Ipinapakita ng UN handout na ito si Pangulong Rodrigo Duterte nang magsalita siya sa pangkalahatang debate ng ika-75 sesyon ng United Nations General Assembly, noong Setyembre 22, 2020, sa New York.
AFP/Manuel Elias/United Nations
Duterte iginiit sa UN ang panalo ng Pinas vs China sa West Philippine Sea
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa unang pagkaka-taon, itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly (UNGA) ang panalo ng Pilipinas laban sa China sa usapin ng South China Sea o West Philippine Sea.

Sa kanyang unang talumpati sa UNGA na isinagawa sa pamama-gitan ng virtual speech habang nasa Pilipinas, binigyang diin ni Duterte na hindi papayagan ng Pilipinas ang sinumang nagtatangka na balewalain ang 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration.

Sinabi ng Pangulo na ang arbitral ruling ay bahagi na ng international law na hindi maaaring makompromiso.

“The Award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of pas-sing governments to dilute, diminish, or abandon. We firmly reject attempts to undermine it,” anang Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na naninindigan ang gobyerno sa usapin ng South China Sea alinsunod sa UN Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award.

Base sa desisyon no­ong 2016 ng Permanent Court of Arbitration, ang Pilipinas ang may eksklusibong karapatan sa lugar kasabay ang pagbalewala sa “nine-dash line” ng China.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang ibang bansa na sumusuporta sa desisyon.

Kamakailan ay nagpadala ng isang magkakasamang note verbale sa UN ang France, Germany at United Kingdom na nagbabasura sa pag-angkin ng China sa pinag-aagawang teritoryo. Binanggit ng tatlong bansa ang 2016 arbitral award na napa­nalunan ng Pilipinas laban sa China sa isyu ng South China Sea.

Bago pa man ang talumpati ni Duterte sa UN, ilang legal experts na ang nanawagan sa Presidente na ito na ang tamang panahon upang bigyang diin sa UN body ang Arbitral ruling.

Kung maalala, sinabi na rin noon ng Pangulo na darating ang tamang panahon na kanyang ipapangalandakan ang naturang makasaysa-yang desisyon ng Permanent Court of Arbitration kahit hindi ito kinikilala ng China.

Related video:

RODRIGO DUTERTE UNITED NATIONS GENERAL ASSEMBLY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with