^

Bansa

Duterte sa health workers: ‘Kailangan din namin kayo’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa health workers: �Kailangan din namin kayo�
Binanggit din ng Pangulong Rodrigo Duterte na may respeto siya sa mga health wor-kers pero sana ay tagalan muna ang pananatili sa bansa ng mga maiiwan hanggang matapos ang COVID pandemic.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagpayag sa mga health workers na mag-abroad, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito na isipin din na kailangan sila rito sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang ma-offend ang mga health workers, doctors at nurses na gustong kumita ng mas malaking pera sa labas ng bansa pero dapat alalahanin din na may health crisis na kinakaharap ang Pilipinas.

Muling nilinaw ng Pa-ngulo na ang pinapayagan pa lamang makalabas ng bansa ay yung may mga kontrata na ngayong taon.

Para sa mga wala pa aniyang kontrata ay maghintay na lang muna dahil kailangan din sila dito sa Pilipinas.

Binanggit din ng Pa-ngulo na may respeto siya sa mga health wor-kers pero sana ay tagalan muna ang pananatili sa bansa ng mga maiiwan hanggang matapos ang COVID pandemic.

Nauna rito, tinanggal ng Pangulo ang ban sa pag-alis ng mga health workers na may napirmahang kontrata hanggang noong Agosto 31.

Pero nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mahihirapang tanggalin ang ban hanggang nasa state of calamity ang bansa.

Reaksiyon ito ni Roque sa apela ng Filipino Nur-ses United sa gobyerno na tuluyang tanggalin ang deployment ban ng mga medical professionals.

Ipinaalala rin ni Roque na mas maraming kaso ng COVID-19 sa ibang bansa at kailangan din ng Pangulo na pangalagaan ang buhay ng mga medical frontliners.

vuukle comment

HEALTH WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with