Duterte pwedeng i-regulate ang presyo ng COVID-19 test
MANILA, Philippines — Hindi malayong maglabas ng Executive Order (EO) si Pangulong Rodrigo Duterte para maging magkakapareho ang presyo ng real-time reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test ng COVID-19.
Mismong si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang nagrekomenda na dapat magkaroon ng price cap ang swab test dahil sa ngayon ay magkakaiba ito depende sa ospital at laboratoryo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naglabas ng EO ang Pangulo para magkaroon ng price cap ang presyo ng gamot kaya hindi malayo na magkaroon din ng price caps sa swab testing.
Nanawagan din si Roque sa mga laboratoryo na nakatanggap ng donasyon mula sa gobyerno at sa pribadong sektor na ibaba ang presyo ng test.
Umapela rin si Roque na huwag pagkakitaan ang swab testing na mabisang paraan para mapababa ang kaso ng COVID-19.
- Latest