COVID-19  vaccine sa Q2 pa ng 2021 magkakaroon sa Pinas
Ito ay nang aminin ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na maaaring masimulan nila ang proseso ng pagbili at pamamahagi ng bakuna sa second quarter pa lamang ng taong 2021 o sa mga buwan mula Abril hanggang Hunyo.
Unsplash stock
COVID-19 vaccine sa Q2 pa ng 2021 magkakaroon sa Pinas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang umaasa ang marami na darating na ang bakuna sa Disyembre, inihayag ng Department of Health (DOH) na sa ikalawang bahagi pa ng 2021 ang pinakamaagang petsa para magkaroon ng suplay ng COVID-19 ang Pilipinas.

Ito ay nang aminin ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na maaaring masimulan nila ang proseso ng pagbili at pamamahagi ng bakuna sa second quarter pa lamang ng taong 2021 o sa mga buwan mula Abril hanggang Hunyo.

Paliwanag ni Vergeire, kailangan muna nilang matiyak na ligtas at epek-tibo ang mga bakuna bago tuluyang bumili ng mga ito.

Sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy pa rin ng mga dayuhang manufacturers ang development at trials ng mga bakuna.

Matatandaang mara-ming mga scientists at mga medical experts sa buong mundo ang nagsusumikap sa ngayon na makabuo ng bakuna upang matuldukan ang pandemic ng COVID-19, ngunit iilan pa lamang sa mga ito ang nasa clinical trials na sa ngayon.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with