Ligtas? Camp Aguinaldo kasama sa papasukin ng 40% China-owned telco
Undated file photo ng isang telecommunications tower
File
Ligtas? Camp Aguinaldo kasama sa papasukin ng 40% China-owned telco
James Relativo (Philstar.com) - September 22, 2020 - 12:39pm

MANILA, Philippines — Ayaw pang pangalanan ng Dito Telecommunity ang iba't ibang kampo militar na kanilang tatayuan ng cell towers sa Pilipinas maliban sa isa kahit 40% ang pagmamay-ari sa kanila ng gobyerno ng Tsina.

Ikinakabahala kasi ito sa ngayon ng iba't ibang sektor at personalidad lalo na't inaagawan ng teritoryo ng Beijing ang Maynila lalo na sa West Philippine Sea.

Ika-8 ng Setyembre nang aminin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pinirmahan na nila ang kontrata kasama ang Dito na magpapahintulot ng kanilang pagtatayo ng mga tore sa mga kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Basahin: 40% China-owned telco pwede nang magtayo ng cell sites sa loob ng kampo militar

"I can't give the number  [of cell sites to be placed inside camps] right now. I'll have to get back to you on that," paliwanag ni Adel Tamano, chief administrative officer ng Dito, sa panayam ng CNN Philippines.

"In my discussions with our chief technology officer, he does mention the major camps such as Camp Aguinaldo."

Maliban sa 40% ownership ng Chinese state-owned China Telecommunications Corporation, hawak din ito ng Udenna Corporation (35%) at Chelsea Logistics Corporation (25%) na parehong pinag-mamayarian ni Davao businessman Dennis Uy — malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binanatan din ni Tamano ang mga reklamo ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa pagpapapasok sa Dito sa dahilang baka magamit ito sa pag-eespiya sa Pilipinas lalo na't pwedeng utusan ng Tsina ang anumang Chinese company na magbigay ng anumang intelligence service na kanilang hihingiin.

May kinalaman: Carpio warns of security risks posed by Chinese telcos

"Our chief technology officer is a retired major general, and we chose him specifically because we wanted to assure the public that these issues of spying would have no basis because Dito is a Filipino company," ani Tamano habang tinutukoy si retired AFP Maj. Gen. Rodolfo Santiago.

"It may have Chinese share holders, but it does not change the fundamental fact that we are a Filipino company."

Aniya, pambabastos sa AFP na sabihing "dumb move" ang pagpapapasok sa Dito lalo na't mga sundalo diumano ang nagtatanggol ng teritorial integrity ng bansa.

Wala naman daw kasing alam si Carpio hinggil sa memorandum of agreement na pinasukan ng gobyerno ng Pilipinas at Dito, bagay na may mahihigpit daw na "proteksyon" laban sa paniniktik.

Noong nakaraang linggo lang nang sabihin ng AFP na gusto nilang dagdagan ang mga probisyon para tiyaking hindi makakapang-"intrude" ang Dito. Isinalarawan naman ni AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo bilang "very low" ang panganib ng nasabing kontrata.

Proteksyon vs. NPA?

Paliwanag pa ni Tamano, papasok sila sa mga kampo militar ng Pilipinas bilang proteksyon na rin sa mga rebolusyong grupo na naniningil ng buwis sa mga kumpanya sa probinsya.

Hindi man ito tinukoy ng Dito, kilala ang armadong grupong Maoista na New People's Army (NPA) sa pag-atake sa mga large scale mining companies at iba pang kumpanyang nag-ooperate sa mga lugar na sakop ng kanilang impluwensya oras na hindi nakakapagbayad. Sinasabing ginagamit ng mga komunista ang nalilikom na pondo sa mga programa sa komunidad.

"There are revolutionary taxes that are being asked of telco companies. Building in sites where the military is present will address that concern," wika pa ng Dito official.

Kilala rin ang Globe at Smart sa pagtatayo ng kani-kanilang cell sites sa loob ng mga kampo militar.

Tinatayang nasa 900 cell sites ang itinatayo ngayon ng kumpanya sa buong Pilipinas. Inaasahan ng grupo na aabot pa ito sa 1,300. Gayunpaman, wala pa naman natatapos sa mga ito.

Plano nitong makapag-commercial launch sa Marso 2021 at nais bigyan ng 27 mbps na internet speed ang mga customers, na dalawa hanggang tatlong beses na mas mabilis daw sa kasalukuyang download speed.

Taya pa nila, magiging "pantay" nito ang teknolohiya ng Singapore at South Korea sa kanilang ika-2 o ika-3 taon, at magshi-shift na rin daw sa 5G technology. Bagama't 87% population coverage lang ang commitment nila sa gobyerno, layon daw nilang lagpasan pa ito.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CHINA DITO TELECOMMUNITY INTERNET SECURITY THREAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with