Deployment ban sa nurses inalis na ni Duterte
Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pina­kinggan ng Pangulo ang apela ng mga nurse na pansamantalang hindi pinayagang makalabas ng bansa dahil sa deployment ban.
STAR/File
Deployment ban sa nurses inalis na ni Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nang makalabas ng bansa ang mga nurse na kumpleto ang mga dokumento noon pang Agosto 31 matapos tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban ng mga ito.

Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pina­kinggan ng Pangulo ang apela ng mga nurse na pansamantalang hindi pinayagang makalabas ng bansa dahil sa deployment ban.

“Nakinig naman po ang Presidente sa mga hinaing ng mga nurses. So ‘yung mga meron na pong mga papeles at kumpletong documentation as of Aug. 31, 2020, pinayagan na po ng Presidente na makaalis,” sabi ni Roque.

Ayon kay Roque, makikinabang sa desisyon ang nasa 1,500 nurses at iba pang health professionals.

Matatandaan na ipinatupad ang deployment ban upang matiyak ang kaligtasan ng mga health workers mula sa COVID-19.

Inirekomenda ng Philippine Overseas Employment Admi­nistration ang makalabas ng bansa ang mga health workers na kumpleto ang dokumento ng hanggang Agosto 31, 2020.

Related video:

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with