Ilang lugar sa Pinas posibleng ilagay sa ânew normalâ sa Oktubre
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, may mga lugar na zero ang transmission ng virus kaya puwede na silang makabilang sa “new normal.”
The STAR/Michael Varcas, file
Ilang lugar sa Pinas posibleng ilagay sa ‘new normal’ sa Oktubre
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng ba­gong klasipikasyon sa Oktubre at posibleng ila­gay sa “new normal” ang ilang lugar sa bansa na wala ng kaso ng COVID-19, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, may mga lugar na zero ang transmission ng virus kaya puwede na silang makabilang sa “new normal.”

Sa ngayon, ang mo­dified general community quarantine (MGCQ) ang pinakamaluwag na uri ng quarantine sa bansa.

“In that sense, magkakaroon tayo ng mga bagong classification, magkakaroon tayo ng new normal aside from MGCQ,” sabi ni Roque.

Halos lahat ng lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng MGCQ hanggang sa katapusan ng buwan samantalang nananatili sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Inaasahang mag-aanunsiyo si Pangulong Rodrigo Duterte nang pagbabago sa klasipikasyon ng quarantine bago magsimula ang Oktubre.

Matatandaan na da­ti’y idinedeklara ang pagbabago sa quarantine tuwing ikalawang linggo pero nitong huli ay pinalawig ito at ginawang isang buwan.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with