Sa pagdagsa ng tao sa Manila Bay: âHindi lang PNP ang may kasalananâ
Alinsunod sa Bayanihan Act na binuo nang magsimula ang COVID-19 pandemic, bawal ang mass gathering o assembly, pag-obserba sa social distancing, pagsuot ng face shield at face mask at madalas na disinfections.
The STAR/Miguel de Guzman, file
Sa pagdagsa ng tao sa Manila Bay: ‘Hindi lang PNP ang may kasalanan’
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni PNP Chief General Camilo Cascolan na hindi dapat sisihin ang pulis dahil  may pagkakasala rin ang mga taong dumagsa sa Manila Bay nitong weekend para makita ang artificial White Sand Baywalk.

Ang reaksiyon ni Cascolan  ay bunsod ng pagkakasibak kay Manila Police District (MPD) Station 5 na si Police Lt. Col. Ariel Caramoan dahil sa command responsibility.

Ani Cascolan, mahirap naman aniya kung sa pulis lang isisi ang pagdagsa ng tao sa Manila Bay kung saan hindi nasunod ang social distancing.

Sinabi ni Cascolan na dapat na naging responsable ang publiko dahil nananatili ang banta ng COVID-19 pandemic.

Giit ni Cascolan, dapat na makiisa naman ang publiko sa mga ipinaiiral na health safety protocols gaya ng social distancing at mass gatherings.

Alinsunod sa Bayanihan Act na binuo nang magsimula ang COVID-19 pandemic, bawal ang mass gathering o assembly, pag-obserba sa social distancing, pagsuot ng face shield at face mask at madalas na disinfections.

Sinabi pa ng PNP chief na ang laban sa COVID ay hindi lang sa pulis kundi laban ng lahat.

Related video:

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with