Duterte âdi makikialam sa iringan sa Kamara - Sotto
Base sa impormasyon ni Senate President Vicente Sotto III, ang isyu sa Kamara ay tungkol sa panukalang pambansang pondo para sa 2021.
The STAR/Geremy Pintolo, file
Duterte ‘di makikialam sa iringan sa Kamara - Sotto
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiwala si Senate President Vicente Sotto III na hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa bangayan sa liderato  ng Kamara.

Ayon kay Sotto, hindi ugali ng Pangulo na makialam maliban na lamang kung hingan siya ng panig.

Base sa impormasyon ni Sotto, ang isyu sa Kamara ay tungkol sa panukalang pambansang pondo para sa 2021.

Naggigirian ang mga kongresista dahil sa hindi umano patas na bigayan sa infrastructure funds.

Paliwanag ni Sotto, tulad ng sinabi ni Senate Minority leader Franklin Drilon, na kapag hindi naresolba ang sigalot sa Kamara ay posibleng maantala ang 2021 budget.

Nilinaw naman ng senador na hindi siya manghihimasok sa kung ano ang nangyayari sa sinasabing power struggle sa Mababang Kapulungan.

Ayon sa House Committee on Public Accounts, mas malaki ang nakukuhang pondo ng mga kongresistang humahawak ng mga distrito kumpara sa mga partylist representatives. - Joy Cantos

 

VICENTE SOTTO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with