Quarantine alisin na!
Sinabi ni dating Health Secretary Dr. Jaime Galvez-Tan, mi­yembro ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines na isusulong nila ang panukala sa kanilang pulong. Binubuo umano ang kanilang organisasyon ng higit sa 3,000 health experts.
AFP/Maria Tan
Quarantine alisin na!
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nakipagpulong na sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging and Infectious Diseases (IATF) ang grupo ng mga health experts na nagsusulong na tanggalin na ang ipinapatupad na ‘quarantine’ ng pamahalaan at magpatupad na lamang ng mas epektibong promosyon sa kalusugan.

Sinabi ni dating Health Secretary Dr. Jaime Galvez-Tan, mi­yembro ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines na isusulong nila ang panukala sa kanilang pulong.  Binubuo umano ang kanilang organisasyon ng higit sa 3,000 health experts.

Unang ipinanukala ito ng CDCP noong nakaraang Linggo ngunit naging matabang ang pagtanggap ng Department of Health (DOH).

“We call upon President Duterte to really lift the lockdown but at the same time ensure that the protocol of prevention, promotion of health, be nationwide,” ayon kay Tan.

Ayon sa DOH, dapat maging dahan-dahan ang pagtatanggal sa ‘quaran­tine’ upang makatiyak na hindi na babalik ang malalang problema sa pagkalat ng coronavirus at hindi na maibalik ang dating mas mahigpit na ‘lockdown’ sa bansa.

“If these things happen, we will again be put into tighter lockdowns and go through the process again,” ayon sa ahensya.

“While we have seen improvements in our numbers, hindi pa tapos ang laban. We do want the public to be complacent and to think na everything is already okay. Dahil kapag naging complacent tayo, magi­ging hindi tayo maingat,” giit pa ng DOH.

Ngunit ayon kay Tan, hindi naman nila sinasabi na wala nang gagawing aksyon ang pamahalaan para maiwasan ang virus.  Dapat na mag-pokus ang pamahalaan sa promosyon ng kalusugan sa mga komunidad tulad ng sapat na tulog, tamang diet at pagpapaaraw.

“Wala tayong sinasabi na ili-lift mo ang lockdown na wala kang ginagawa para maiwasan,” ayon kay Tan.

“Ngayon, kahit may lockdown dumadami (ang cases ) pero mara­ming nagugutom marami pa rin ang walang trabaho, marami pa rin ang mga hindi nakakabalik sa trabaho,” giit pa niya.

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with