Con artists, nagpapanggap na DILG senior officials
Let the public be warned that senior officials of the DILG do not call LGUs asking for favors. It is prudent to always check and consult our provincial DILG office to confirm before believing or sending money to these con artists,” ani DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.
twitter.com/dilgphilippines
Con artists, nagpapanggap na DILG senior officials
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

LGUs binibiktima

MANILA, Philippines  — Binalaan kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Government Units (LGUs) sa bansa laban sa modus operandi kung saan nagpapanggap na senior officials ng DILG upang makapanghingi ng pabor at makapangikil ng pera mula sa mga lokal na pamahalaan.

Kasunod ito ng natanggap na mga ulat mula sa mga local chief executives hinggil sa tawag at text na kanilang natanggap mula sa mga impostor at mga con-artists na nagpapanggap na senior officials  ng departamento, na nag-aalok na magkakaloob ng government assistance o tulong sa binibiktimang LGUs kapalit ng pera o pabor.

“Let the public be warned that senior officials of the DILG do not call LGUs asking for favors. It is prudent to always check and consult our provincial DILG office to confirm before believing or sending money to these con artists,” ani DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

Kabilang sa mga tinatawagan ng mga naturang impostor ay ang mga alkalde mula sa Laguna, Quezon, Camarines Sur, Masbate, Pangasinan, Cagayan, Iloilo, Leyte, at maging sa Cotabato.

Nag-aalok umano ang mga ito ng government assistance sa mga alkalde at nangangakong tutulong sa anumang imbestigasyon laban sa kanila, ngunit sa bandang huli ay hihingian lamang sila ng mga ito ng pera.

Mayroon pa umanong alkalde na sinabihan na bibigyan ng 2,800 kaban ng bigas para sa kanyang mga constituents, ngunit malaunan ay sinabihan ang alkalde na kailangang magpadala ng P20,000 sa pamamagitan ng money remittance para sa transportation costs ng mga naturang bigas.

LGU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with