Emergency powers ni Duterte ibibigay ng Senado
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, na sa ilalim ng bubuuing panukala ay bibig­yang kapangyarihan ang Pangulo para baguhin mismo ang sistema ng walang aamyendahan sa ease of doing business.
STAR/ File
Emergency powers ni Duterte ibibigay ng Senado
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Target ng Senado na maipasa ang mga panukalang magbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para putulin ang red tape at korapsyon sa gobyerno at mapadali ang pagnenegosyo sa bansa sa Oktubre bago ang break ng Kongreso.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, na sa ilalim ng bubuuing panukala ay bibig­yang kapangyarihan ang Pangulo para baguhin mismo ang sistema ng walang aamyendahan sa ease of doing business.

Idinagdag pa ni Sotto, na target nila na bago ang break ng Kongreso sa Oktubre ay pasado ang nasabing mga panukala.

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson, na sa halip na amyendahan ang batas ay mas praktikal na mabilis na maipapasa kung gagawa ng panibagong batas na nagbibigay kapangyarihan sa Presidente na suspendihin ang time frames na nakasaad sa Anti-Red Tape Act dahil nasa ilalim pa tayo ng state of health emergency.

NIlinaw naman ni Lacson na tulad ng Bayanihan 2 ay may time bound din ang emergency power subalit magagawa nito ang layunin hanggang makagawa ang kongreso ng katulad na may limitadong panahon para sa mga pribadong sektor kapag nakipagtransaksyon sa gobyerno maging sa local at national.

Inilarawan naman ni Sen. Migz Zubiri ang kapangyarihan na ito bilang “blanket authority” sa national government agencies at local government units.

Sa ilalim umano ng panukalang emergency powers ay maaring magsuspendi o mag-alis ang Pangulo ng mga “erring officials” na sangkot sa katiwalian sa halip pahabain pa ang proseso at padaanin sa Civil Service Commission o Ombudsman.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with