2 nailigtas na Pinoy seamen nakauwi na ng Pinas
Sakay ng Philippine Airlines sina Jay-nel Rosales at Eduardo Sareno, mga crew ng M/V Livestock 1 mula sa Tokyo, Japan. Sinalubong sila ng mga opisyal ng Department of Labor and Employment sa pangunguna ni Secretary Silvestre Bello III.
STAR/ File
2 nailigtas na Pinoy seamen nakauwi na ng Pinas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nakabalik na ng Pilipinas nitong Sabado ang dalawang Pilipinong tripulante ng ‘cargo ship’ na puno ng baka na lumubog sa karagatang malapit sa Japan.

Sakay ng Philippine Airlines sina Jay-nel Rosales at Eduardo Sareno, mga crew ng M/V Livestock 1 mula sa Tokyo, Japan. Sinalubong sila ng mga opisyal ng Department of Labor and Employment sa pangunguna ni Secretary Silvestre Bello III.

Kinailangan pang sumailalim sa medical check-up at isang linggong hotel quarantine ang dalawa bago pinalipad.  Kailangan pa namang maghintay ng dalawa ng resulta ng kanilang COVID-19 swab tests bago payagang makauwi sa kani-kanilang probinsya.

Una namang naiuwi na ng bansa ang labi ng kasamahan nilang Pinoy seaman na si Joel Canete Linao.

“They will get help from government in the form of livelihood assistance and other benefits,” pagtitiyak ni Bello. “We are also looking at possible job opportunities for them in other shipping companies in case they want to get back at work as soon as possible,” dagdag niya.

May sakay ang barko na 43 tripulante kung saan 39 sa kanila ay mga Pilipino. Galing sa New Zealand ang barko patu­ngo ng China nang abutan ng bagyo sa East China Sea.

SEAMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with