100% foreign ownership sa telcos âunconstitutionalâ â Carpio
Sa isang webinar kung saan host ang Philippine Bar Association (PBA), sinabi ni Carpio na sa ilalim ng 1987 Constitution, ang public utilities ay dapat na 60 por­siyentong pag-aari ng Filipino citizens.
Miguel de Guzman, file
100% foreign ownership sa telcos ‘unconstitutional’ – Carpio
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Iginiit ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na ilegal ang pagpapahintulot sa 100% foreign ownership ng telecommunications firms sa bansa hanggang hindi naaamyendahan ang Konstitusyon.

Sa isang webinar kung saan host ang Philippine Bar Association (PBA), sinabi ni Carpio na sa ilalim ng 1987 Constitution, ang public utilities ay dapat na 60 por­siyentong pag-aari ng Filipino citizens.

Bagama’t sa inaprubahang House Bill No. 78 na nag­lalayong amyendahan ang Public Service Act ay inalis ang transportasyon at telecommunications bilang public utilities, sinabi ng dating SC justice na sa ilalim ng kasalukuyan at mga nagdaang Saligang Batas, malinaw na ang telecommunications ay maituturing na isang public utility.

Tinukoy ang Article 2, Section 12 ng Konstitusyon, sinabi ni Carpio na, “All natural resources are owned by the State. The State may directly [exploit such natural resources], or it may enter into co-production, joint venture, or production-sharing agreements with Filipino citizens, or corporations at least 60 percent of whose capital is owned by such persons.”

“In short, even if [HB 78] becomes a law and somehow declared constitutional is not sufficient to allow foreigners to own more than 40% equity in telcos,” dagdag pa niya.

Ang posisyong ito ng dating SC magistrate ay kinatigan ni Atty. Marlon Anthony R. Tonson, director/founding member ng Tagapagtanggol ng Watawat.

Ayon kay Tonson, isa sa mga  reactor sa webinar, ang telco ay isang public utility at ang 60-40 ownership ay angkop at hindi maaaring baguhin ng kapangyarihan ng Kongreso.

ANTONIO CARPIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with