^

Bansa

Batas sa pabahay para sa mahihirap isinulong ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Muling nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa mga kapwa senador at mga nasa pamahalaan na tulungan siyang maisabatas ang kanyang isinusulong na Senate Bill 203, mas kilala bilang National Housing Development, Production and Financing (NHDPF) Act of 2019 na magbebenepisyo sa mahihirap at walang permanenteng tirahan nating mga kababayan.

Ginawa ni Go ang panawagan kasabay ng pamamahagi ng kanyang opisina ng iba’t ibang tulong sa mga nasunugang pamilya sa Talisay City, Cebu.

Layon ng kanyang SB 203 na ma-institutionalize ang programang tutugon sa pabahay para sa Filipino at malaanan ng sapat na pondo ang mga housing project ng gobyerno.

“Gusto na nating palaguin ang mga probinsya. Kapag mabigyan natin ng pagkakataon ang mga Pilipino na magkaroon ng sarili nilang bahay lalo na sa mga probinsya, gugustuhin na rin nilang umuwi,“ sabi ni Go.

Nagtungo ang grupo ni Sen. Go para magbigay ng ayuda sa dalawang barangay sa Talisay City, Cebu na naapektuhan ng sunog.

May 422 indibidwal na bumubuo sa 121 pamilya sa Barangay Tangke at 32 pamilya o 152 indibidwal naman sa Barangay Cansojong ang tinulungan ni Go.

Sa ilallim ng strict health protocols, nagbigay ang grupo ni Go ng food packs, masks, face shields, cash assistance at tanghalian sa fire victims.

Namahagi rin sila ng mga gamot, bitamina at bisikleta sa mas nangangailangan para magamit sa pagpasok sa trabaho.

Nagpayo ang senador sa pamamagitan ng video call sa mga residente na palaging magsuot ng face masks at sundin ang health protocols para makaiwas sa COVID-19.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with