Eat at your own risk â FDA
Una nang nag-abiso ang FDA na ang Reno liver spread ay hindi rehistrado mula 1958 nang umpisa itong ibinenta sa merkado.
FDA/Released
Eat at your own risk – FDA
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

Sa Reno liver spread

MANILA, Philippines — “Eat at your own risk” ang ipinayo ng Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagkain ng Reno liver spread na kilalang palaman sa tinapay o kaya ay sangkap sa mga paboritong lutuing Pinoy.

Una nang nag-abiso ang FDA na ang Reno liver spread ay hindi rehistrado mula 1958 nang umpisa itong ibinenta sa merkado.

Sa ngayon, inalis na muna sa mga pamilihan ang Reno liver spread dahil sa abiso ng FDA.

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na bagama’t wala pa namang napapaulat na nagkasakit at nalason sa pagkain ng Reno liver spread ay kailangan pa ring mag-ingat ang mga tao sa pagbili nito at pagkain.

Anya, hindi sila nakakagarantiya na ligtas at may magandang kalidad ang produkto kahit wala pang ulat na naapektuhan nito.

Sinabi ni Domingo na hintayin muna ng publiko na mairehistro sa FDA ang Reno liver spread at maging compliant ang produkto bago ito payagang mabili muli sa mga pamilihan.

Ayon sa FDA, may license to operate naman bilang food repacker ang Reno Foods Incorporated at ang manufacturer ng liver spread pero kailangan muna nilang kumuha ng certificate of product registration (CPR) para sa mga produkto nila kahit pa matagal na itong nasa merkado.

FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with