Price freeze iiral sa state of calamity
Bukod sa pagbaba­wal magtaas ng presyo ng mga bilihin, maaari na ring magamit ng mga local government units (LGUs) ang kanilang calamity funds.
Era Christ R. Baylon/ Philstar
Price freeze iiral sa state of calamity
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinaalala kahapon ng Malacañang na iiral at tuloy-tuloy ang price freeze hangga’t nasa ilalim ng state of calamity ang bansa.

Bukod sa pagbaba­wal magtaas ng presyo ng mga bilihin, maaari na ring magamit ng mga local government units (LGUs) ang kanilang calamity funds.

Nauna ng inanunsiyo ni Roque na ang state of calamity ay iiral mula noong Setyembre 13, 2020 hanggang Setyembre 21, 2021.

Samantala, tiniyak din ni Roque na sapat ang pondo sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act para sa mga hakbang na gagawin para malabanan iyong pagkalat ng virus.

Muling sinabi ni Roque na nakapaloob sa nasabing batas ang P13 bilyon para sa mga nawalan ng trabaho, samantalang P140 bilyon ang ilalaan para sa mga nais magsimula ng negosyo.

Binigyan din ng 60 araw na extension o palugit ang mga dapat bayarang utang o bills.

PRICE FREEZE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with