Rotational brownouts nakaamba
Ang Malampaya natural gas field, pangalawang pinakamalaking pinagkukunan ng suplay ng natural gas ng Luzon upang gumawa ng kuryente, ay napipintong maubos na pagsapit ng 2024.
STAR/ File
Rotational brownouts nakaamba
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

Malampaya gas reserve paubos na

MANILA, Philippines — Nagbabala si Sen. Win Gatchalian na posibleng manumbalik ang rotational brownouts, lalo na sa kalakhang Luzon, sakaling maubos na ang natural gas na sinusuplay ng Malampaya natural gas field, na ginagamit ng ilang planta sa bansa sa nakalipas na mahigit dalawang dekada.

Ang Malampaya natural gas field, pangalawang pinakamalaking pinagkukunan ng suplay ng natural gas ng Luzon upang gumawa ng kuryente, ay napipintong maubos na pagsapit ng 2024.

Kaugnay nito, isinulong ni Gatchalian ang Senate Bill 1819 na naglalayong hikayatin ang mga mamumuhunan sa pribadong sektor upang mapalawak pa ang merkado na papabor sa mga ordinaryong mamimili.

Kabilang sa midstream natural gas industry ang transportasyon at pag-iimbak ng natural gas o Liquified Natural Gas (LNG). Sakop ng industriya ang mga tanker ship na naghahatid ng natural gas sa mga terminal ng LNG o kaya’y mga imbakan nito sa ibat ibang bahagi ng bansa.

“Kailangan nating magmadali dahil baka magsisi tayo sa huli kung hindi tayo kikilos ngayon pa lang at para na rin maiwasan natin ang rotational brownout pagsapit ng 2024 sakaling wala na tayong mapagkunan na suplay mula sa Malampaya gas field,” ani Gatchalian.

Inihalintulad ng senador ang senaryo sa naranasang krisis sa kuryente noong 1990s kung saan ang buong Metro Manila at kalapit na mga probinsya ay nagkaroon ng arawang brownout na hindi bababa sa apat na oras dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.

Sa mga nakaraang taon, dumarami na ang mga local at foreign companies na nagpahayag ng interest na magtayo ng integrated LNG facilities sa bansa.

Sang-ayon si Gatchalian sa pagkakaroon ng mga LNG terminal projects at sinabi pa iya na dapat ay maisaayos ito bago pa ang napipintong pagkaubos ng suplay mula sa Malampaya sa 2024.

WIN GATCHALIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with