P12.9 bilyon kailangan sa pagbili ng COVID-19 vaccines - DOH
Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa P203.1 bilyong panukalang pondo ng DOH sa 2021 na target nilang mabakunahan ang 20 milyong Pilipino na kabilang sa vulnerable sectors gaya ng medical frontliners, Barangay Health Workers, indigent group tulad ng mga senior citizens, maysakit at maging ang mga Person With Disabilities (PWDs).
Unsplash stock
P12.9 bilyon kailangan sa pagbili ng COVID-19 vaccines - DOH
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangangailangan ang pamahalaan ng P12.9 bilyon para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa P203.1 bilyong panukalang pondo ng DOH sa 2021 na target nilang mabakunahan ang 20 milyong Pilipino na kabilang sa vulnerable sectors gaya ng medical frontliners, Barangay Health Workers, indigent group tulad ng mga senior citizens, maysakit at maging ang mga Person With Disabilities (PWDs).

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga suppliers na posibleng magbenta ng vaccines sa Pilipinas sa oras na makapasa na ito sa regulatory standard ng Food and Drugs Administration (FDA).

Nabatid na ang clinical trials ng World Health Organization sa COVID vaccines ay isasagawa sa Pilipinas sa katapusan ng Oktubre kung saan puwede itong tumagal ng hanggang 6 buwan.

 

COVID-19 VACCINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with