^

Bansa

Antigen tests sa border screening pinag-aaralan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Antigen tests sa border screening pinag-aaralan na
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa budget hearing ng DOH sa Kamara, na isa ang Baguio City sa inirerekomendang maging pilot test sa paggamit ng antigen sa border screening ng mga papasok lalo na ng mga turista sa lungsod kaugnay ng pagbubukas ng domestic level ng turismo dito sa Setyembre 21 para sa mga taga-Region 1.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Pag-aaralan pa ng Department of Health (DOH) ang pagsasagawa ng antigen tests laban sa COVID 19 sa border screening kaugnay ng mga hakbangin ng ahensya upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa budget hearing ng DOH sa Kamara, na isa ang Baguio City sa inirerekomendang maging pilot test sa paggamit ng antigen sa border screening ng mga papasok lalo na ng mga turista sa lungsod kaugnay ng pagbubukas ng domestic level ng  turismo dito sa Setyembre 21 para sa mga taga-Region 1.

Nangangahulugan ito na ang isang indibidwal na sumailalim sa antigen test sa mga border o hangganan ng daan papasok sa isang lugar lalo na sa mga lungsod ay sasailalim sa rapid antigen at matapos ang 3 hanggang 5 araw ay muling isasalang sa nasabing test upang matiyak kung walang virus na kumapit.

Nabatid na ang paggamit ng antigen test ay pampalit sa RT–PCR test para sa mga asymptomatic na lokal na mga bumibiyahe sa iba’t ibang mga lugar kaugnay ng quarantine health protocols.

Inihayag naman ni Vergeire na mismong ang ilang mga lokal na eksperto na ang nagsabi na hindi dapat na gamitin ang antigen test sa mga asymptomatic dahilan sa sensitivity level nito na kailangang nasa 80 %.

“Antigen tests are accurate when you find a result which is positive, you do not need to confirm it with RT-PCR anymore but if the result is negative, we need to confirm with RT-PCR because as we’ve said the sensitivity is quite low,” ang sabi pa ni Vergeire.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with