Misencounter hindi mangyayari - PNP chief
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

Koordinasyon sa AFP aayusin

MANILA, Philippines — Tiniyak ni PNP Chief General Camilo Pancratius Cascolan na aayusin nila ang koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maiwasang maulit ang misencounter tulad ng nangyari sa Jolo, Sulu noong Hunyo.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni Cascolan na may joint activity sila ng AFP upang pag-usa­pan ang mga kailangang pagbabago at pagpapabuti ng kanilang ahensiya.

Aniya, isa sa pagtutuunan ng pansin ng PNP ay ang kanilang koordinasyon sa AFP bawat operation.

Magsasagawa rin sila ng unit training sa Jolo upang magkaroon ng mas malinaw na sistema ang PNP sa mga enforcement activities.

Nasampahan na sa Internal Affairs Service ng kasong administratibo at kriminal ang siyam na pulis na sangkot sa Jolo shooting incident na ikinasawi ng apat na sundalo.

Maging ang tatlong superiors ng mga pulis na sina Police Lieutenant Colonel Michael Bawayan Jr., director ng Sulu Provincial Police Office; Police Major Walter Annayo, Jolo police chief; at Police Captain Ariel Corcino, chief ng  provincial drug enforcement unit ay sinampahan na ng  gross neglect of duty.

PANCRATIUS CASCOLAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with