^

Bansa

Gobyerno hindi luluhod sa European Union

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang balak ang Malacañang na makiusap sa European Union na nagbanta na babawiin ang tariff-free status ng mga produktong ini-export ng Pilipinas o Generalized Scheme of Preference Plus (GSP+) status dahil sa diumano’y lumulubhang lagay ng human rights sa bansa.

Sa news conference sa Baguio City, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang ideya kung magkano ang mawawala sa Pilipinas sa sandaling gawin ng European Union ang banta pero batid niya na makakasama ito sa bayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Pero kung gusto uma­nong gawin ng EU ang banta ay walang magagawa ang gobyerno at hahayaan na lamang na manood sa lalong maghihirap na mga Filipino.

Binanggit din ni Roque na mahigit na 300 taon na naghirap ang Pilipinas sa ilalim ng isang European country na ang tinutukoy ay ang Spain at umuulit na naman aniya ang kasaysayan.

Dagdag ni Roque na taas-noo pa ring makakaahon ang Pilipinas kahit pa anong gawin ng mga dating colonial masters.

Related video:

vuukle comment

EUROPEAN UNION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with