Duterte: COVID-19 'state of calamity' sa Pilipinas hanggang Setyembre 2021 na
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-14 ng Setyembre, 2020
Presidential Photo/Ace Morandante
Duterte: COVID-19 'state of calamity' sa Pilipinas hanggang Setyembre 2021 na
James Relativo (Philstar.com) - September 18, 2020 - 5:49pm

MANILA, Philippines (Updated 6:14 p.m.) — Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte nang isang taon pa ang aniya'y "state of calamity" ng Pilipinas kaugnay ng patuloy na pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa matapos ang lampas kalahating taong community quarantine.

Ang anunsyo ay isinapormal ng nilagdaang Proclamation 1021 ni Digong, bagay na ngayong araw lang isinapubliko sa mga reporters.

"NOW, THEREFORE, I, RODRIGO ROA DUTERTE, President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing laws do hereby extend the declared State of Calamity throught the Philippines for a period of one (1) year, effective 13 September 2020 to 12 September 2021," sambit niya sa isang pahayag.

Gayunpaman, maaari itong bawiin o muling i-extend ng presidente depende sa pangangailangan at mga sirkumstansya.

Una nang nagdeklara ng anim na buwang state of calamity si Duterte kaugnay ng pandemya noong ika-16 ng Marso, bagay na magtatapos ngayong Setyembre 2020.

Basahin: Pilipinas isinailalim sa 6-month 'state of calamity' ni Duterte

Ayon sa Republic Act 10121, idinedeklara ang state of calamity tuwing may:

  • mass casualty
  • matinding pinsala sa ari-arian
  • pagkasira ng kabuhayan, kalsada at normal na pamumuhay ng tao dahil sa "natural or human-induced hazard"

Ayon sa Section 16 ng batas, maaaring mag-warrant ng "international humanitarian assistance" ang deklarasyon ni Duterte, depende sa pangangailangan.

Maaaring irekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangulo ang deklarasyon ng state of calamity sa mga baranggay, munisipalidad, lungsod, probinsya.

Ipinatupad ito habang ipinatutupad sa Pilipinas ang pinakamahabang quarantine at lockdown measures sa buong mundo bilang tugon sa krisis pangkalusugan.

"All government agencies and [local government units] are enjoined to continue rendering full assistance to and copperation with each other and mobilize the necessary resources to undertake critical, urgent and appropriate disaster response aid and measures in a timely manner to curtail and eliminate the threat of COVID-19," dagdag pa ng liham na may pirma rin ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Inaatasan ngayon ang lahat ng law enforcement agencies at Armed Forces of the Philippines na ipagpatuloy lang ang pagpapatupad ng lahat ng kinakailangang hakbangin upang matiyak ang katahimikan at kaayusan sa mga niragasa ng COVID-19.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 279,526 ang tinatamaan ng nakamamatay na virus sa bansa. Sa bilang na 'yan, 4,830 na ang patay. 

— may mga ulat mula kay The STAR/Christina Mendez

NOVEL CORONAVIRUS RODRIGO DUTERTE STATE OF CALAMITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with