COVID-19 cases sa bansa sumampa sa 279,526, halos 30-M na sa buong mundo
Pumipila ang mga commuters na ito sa MRT-3 North Avenue station, ika-14 ng Setyembre, matapos ipatupad ang kontrobersyal na "reduced physical distancing" kontra COVID-19 na iniutos ng DOTr
The STAR/Michael Varcas
COVID-19 cases sa bansa sumampa sa 279,526, halos 30-M na sa buong mundo
James Relativo (Philstar.com) - September 18, 2020 - 4:08pm

MANILA, Philippines — Muli na namang humataw ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa Pilipinas habang papalapit ang pagsasara ng ika-27 linggo ng community quarantine kontra pandemya.

Nakapag-ulat pa kasi ng 3,257 panibagong pasyente ng sakit ang gobyerno ngayong Biyernes, bagay na nag-aakyat sa kumpirmadong kaso sa 279,526.

Naabot ang mga naturang bilang matapos makapagsagawa ng testing sa mahigit 3.08 milyong tao sa bansa. Sa kabila niyan, 20 laboratoryo pa ang hindi nakapagpasa ng resulta ngayong araw sa Department of Health (DOH).

"There were 20 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 15 recovered cases and 1 death have been removed," paliwanag ng ahensya sa isang statement.

"Moreover, there were twenty-four (24) cases that were previously reported as recovered but after final validation, they were deaths (14) and active cases (10). There was also one (1) case that was previously reported as a death but has been validated as recovered."

Karamihan sa mga newly reported cases ay nanggaling sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (997)
  • Bulacan (282)
  • Cavite (179)
  • Negros Occidental (152)
  • Cebu (127)

LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #188 As of 4PM today, September 18, 2020, the Department of Health reports the total...

Posted by Department of Health (Philippines) on Friday, September 18, 2020

Hindi man lahat 'yan ay may COVID-19 pa rin, sapagkat nasa 65,906 na lang ang sinasabing aktibong kaso magpahanggang sa ngayon matapos iawas ang mga namatay at gumaling na sa virus.

Kung susumahin, 4,830 na ang naitatalang patay dahil sa nasabing pathogen. Mas malaki 'yan ng 47 kumpara sa mga pigurang naiulat ng Kagawaran ng Kalusagan nitong Huwebes.

Samantala, higit pa ring marami ang mga local COVID-19 recoveries ng bansa matapos itong mamayagpag patungong 208,790 matapos madagdagan ng 733.

Samantala, muli namang binanatan ni presidential spokesperson Harry Roque ang mga bumabatikos sa pamamaraan ng gobyerno sa pagsupo sa COVID-19 — kung saan natawag pa niyang "ganid sa kapangyarihan" at "hindi makapaghintay sa 2022" ang mga kritiko.

"'Yung mga nagsasalita naman, 'yan 'yung mga walang mabuting nakikita sa ginagawa ng gobyerno... Atat na atat na sila sa mabalik sa kapangyarihan. Ang sabi ko nga, mga gahaman sa kapangyarihan," sambit ni Roque sa isang virtual briefing.

"Eto po ang pinakamalaking testing czar sa buong mundo [si Baguio City Mayor Benjamin Magalong]... From one laboratory na kaonting-kaonti ang nate-test, we now have the highest testing in the whole of Southeast Asia beating Japan and Vietnam."

Aniya, sadyang nagbubulag-bulagan at "nagbibingi-bingihan" lang ang mga ayaw tumanggap na accomplishment ang mga nabanggit.

Pagmamalaki pa niya, mahusay sa pag-apula ng krisis ang gobyerno lalo na't nananatili sa 1.7% ang fatality rate ng COVID-19 sa Pilipinas. Ito ang kabuuang poryento ng mga tinatamaan ng sakit na namamatay habang nakikipagbuno rito.

Sa kabila niyan, tinatawag pa ring "pasang-awa" ni dating Health Secretary Esperanza Cabral ang kasalukuyang COVID-19 response ng gobyerno, na kailangan pa raw mag-double time at palakawan ang trabaho.

Basahin: Ex-DOH chief: 'Pasang-awa' ang grado ng gobyerno vs. COVID-19

Nasa 29.73 milyon na ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo ngayon simula nang kumalat ito mula sa Tsina, ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO). Samantala, 937,391 na sa kanila ang namamatay.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with