Panukalang regularisasyon, 'hazard pay' sa lahat ng media suportado ng CHR
Litrato ng ilang media workers at supporters sa labas ng ABS-CBN, ika-10 ng Hulyo, matapos ibasura ng Kamara ang hiling na 25-year legislative franchise
The STAR/Michael Varcas, File
Panukalang regularisasyon, 'hazard pay' sa lahat ng media suportado ng CHR
(Philstar.com) - September 18, 2020 - 1:57pm

MANILA, Philippines — Nakakuha ng kakampi ang mga kawani ng media sa Commission on Human Rights matapos ihain sa Senado noong nakaraang linggo ang panukalang batas na balak magbigay ng mas matitinding benepisyo't proteksyon sa mga peryodista't nasa industriya ng pagbabalita.

Sa ilalim kasi ng Senate Bill 1820 ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III, oobligahin kasi ang regularisasyon, insurance benefits, overtime at night differential pay sa mga media workers.

"The current health pandemic emphasizes the importance of a free media in ensuring the dissemination of timely and factual information to help educate the Filipino citizenry on the health impacts of the Coronavirus disease (COVID-19) and the ways to prevent its transmission," ayon kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia.

"The adverse economic effects brought about by the pandemic, however, has led to the enactment of retrenchment policies by several media entities and franchise holders leaving numerous media professionals with no income and support system to weather the negative economic effects of COVID-19."

Kamakailan lang ay kaliwa't kanan ang tanggalan ng mga kontraktwal na manggagawa't empleyado na may project employment contracts (PEC) sa GMA News TV (GNTV) — bagay na nangyari sa kalagitnaan pa ng COVID-19 pandemic at mga lockdown.

Ani De Guia, talamak ang ganitong problema ng retrenchment sa pamamagitan ng 'di makatwirang pagtawag sa mga nasabing empleyado bilang kontraktwal, na mas kilala sa "talent system" sa mundo ng media. Dahil diyan, walang relasyong employee-employer at natatanggap na benepisyo ang mga nabanggit kahit taon-taon nang nagseserbisyo.

Ito ay kahit na paulit-ulit na nire-renew ang kanilang kontrata lagpas sa six-month probationary period, bagay na patunay daw na importante sila sa industriya. Sa mga kasalukuyang batas, kapag lampas na sa period na ito at patuloy na pinagtrabaho ang taong parte ng isang "core business", awtomatikong magiging regular ang isang empleyado.

Madalas mangyari ang sistemang talent sa mga dambuhalang media networks sa telebisyon, na nangangailangan ng maraming tao habang tumatabo ng kita. Ang ilang kumpanya, nilulusutan ang batas at sinasabing may kontrata lang sa "isang show" kung kaya't hindi raw maaaring gawing regular.

"As a country that prides itself with having a free press. Ensuring the protection and just compensation of media practitioners is essential in ensuring the protection of the freedom of expression and the right of individuals to access of information," dagdag pa niya.

"Denying media workers, the fair compensation and benefits not only violates labor laws, but also makes journalist vulnerable to certain financial obligations that may affect the objectivity of their news reports."

Laman ng Senate bill

Pero anu-ano nga bang bago meron sa panukala ni Sotto?

Sa ilalim ng Media Workers' Welfare bill, sakop ng mga probisyon ang lahat ng manggagawa sa media na nasa news media practice, "directly" o "indirectly," kasama ang mga regular na empleyado, project employees, independent contractors atbp.

Hindi rin uubra ang talent system sa nasabing panukala, lalo na kung sisipatin ang Section 5:

"a media worker shall be deemed a regular employee after six (6) months of continuous empioyment, regardless of the nature of employment. No worker shall be dismissed from one's empioyment without just or authorized cause and without procedural due process. The computation of employment time shaii be cumuiative in cases where the employee Is repeatedly engaged for shorter periods by the employer to avoid regularization."

Kung maipapasa, dapat din daw makatanggap ng P500 hazard pay araw-araw ang mga pisikal na nagre-report sa mga lugar na may kagulugan, talamak ang sakit, sakuna atbp., maliban sa pagbibigay ng kumpanya ng basic safety gear gaya ng bulletproof vest, helmet, first-aid kit, face shield at marami pang iba.

Dapat din daw ay awtomatikong bigyan ng dagdag na sweldo ang mga magtratrabaho lagpas sa karaniwang walong oras, at mga magtratrabaho sa pagitan ng 10:00 p.m. hanggang 6:00 a.m. nang umaga. 

Maliban sa insurance benefits ng media workers ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Home Develoipment Mutual Fund (Pagibig Fund) at Philippine Health insurance Corporation (PhilHealth), dapat din daw ay makatama ng sumusunod na benepisyo ang mga media workers:

  • P200,000 death benefit para sa mga media workers na mamamatay habang nagtatrabaho
  • hanggang P200,000 disability benefit para sa mga magkakaroon ng "sustained injury," "total" at "partial" disability (permanente man o pansamantala) habang nagtatrabaho
  • P100,000 reimbursement ng ng medical expenses kada media workers na maoospital o kakailanganin lapatan ng medical attendance habang nagtatrabaho

"Together let us remember that in line with our constitutional rights to freedom of expression and information the protection of our media workers is necessary to ensure a free and fair media," panapos ni De Guia.

Papatawan naman ng P30,000 hanggang P5 milyon multa ang mga kumpanyang mapatutunayang nagpapatupad ng labor-only contracting (kontraktwalisasyon), at hindi na papayagang makakuha ng anumang lisensya sa hinaharap. — James Relativo

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS LABOR RIGHTS MEDIA PRESS FREEDOM VICENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with